window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

The Best Daw ang Honda PCX160 Dahil sa Apat na Bagay na 'to. Agree Ba Kayo?

Gilbert Chao · Sep 22, 2022 03:00 PM

honda-pcx160-dexterrequilman

Si Requilman kasama ang kanyang OBR (official back ride). Photo from Honda Philippines Inc.

Ang pinaka-primary function ng mga scooters natin sa ating garahe ay "pang-serbis" o pang personal na commute. Hassle-free nga kasi ang mga ito gamitin at madali ka makakarating from point A to point B. Pero noong dumating ang time para kay Dexter Requilman, isang video editor at vlogger, na mag-upgrade ng ride niya, iisa lang ang naisip niyang bilhin.

"Coming from a lower-cc engine scooter, I desired more power for my daily needs" (Galing ako mas lower displacement na scooter, at dumating yung time na naghahanap na ako ng mas malakas na hatak), Requilman said. "From the moment the PCX160 was unveiled last February 2021, I told myself that I want that to be my next motorcycle" (Kaya noong ni-launch ang Honda PCX160 last February 2021, iyon na agad ang kursonada ko).

Ngayong more than one year na niya gamit ang kanyang PCX160, gusto niyang i-share ang apat na bagay na nagustuhan niya rito.

honda-pcx160-rides

Ang Honda PCX160 ay sakto rin para sa mga out-of-town rides. Photo from Honda Philippines Inc.

Ang Honda PCX160 ay versatile

Sabi ni Requilman, multi-purpose daw kasi ang kanyang PCX160. Puwedeng pang araw-araw na pamasok at isabak sa rush hour traffic o puwede rin pang long ride sa weekends. Sa kanyang trabaho ay madalas din siyang may mga dalang gamit at napapakinabangan niya ang malaking underseat compartment ng Honda PCX160 na may capacity na 30 liters. May lalagyan din para sa gadgets niya sa bandang harapan.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Ang Honda PCX160 ay fuel-efficient

Ang PCX160 ay may 157cc liquid-cooled, 4-valve single overhead cam eSP+ engine na ayon sa Honda ay kaya mag 45.1 kilometers per liter. Based naman sa experience ni Requilman ay nakaka-abot siya ng 350 kilometers bago maubos ang isang full tank na may 8-liters. Kung ganon ay nakakakuha siya ng 43.75 kilometers per liter, hindi nalalayo sa claim ng Honda.

Ang Honda PCX160 ay elegant

Para kay Requilman, yayamanin ang dating ng Honda PCX160. Subtle lang ang kanyang styling at hindi masyadong loud. Ganun man, agaw pansin pa rin ito sa kalsada dahil malaki siya tingnan kumpara sa ibang scooters sa kanyang segment. Naka dagdag din daw sa pogi points ng PCX160 ang exposed na chrome handle bar nito.

honda-pcx160-requilman-review

Dahil sa tanyag na fuel-efficiency ng Honda PCX160, malayo ang mararating ninyo sa isang full-tank. Photo from Honda Philippines Inc.

Ang Honda PCX160 ay easy-to-use

"Mukha siyang malaki pero kapag nagamit mo na, mare-realize mo na ang gaan pala ng handling ng PCX160" sabi ni Requilman "Madali ito gamitin kahit sa traffic man o sa open road. Ang seat height din ay tama lang para sa average Filipino riders," dagdag niya.

May pahabol pa na payo si Requilman para sa mga may balak din mag-upgrade ng scooter "Kung bibili ka ng scooter o motor, ang main consideration mo dapat kung paano mo ito plano gamitin, dapat swak sa needs mo".

honda-pcx160-owner-review

Ang Honda PCX160 ay isang maaasahang kaarangkada. Photo from Honda Philippines Inc..

Ang PCX160 ay available sa dalawang variants: ang CBS variant (Php 127,900) at ABS variant (Php 145,900).

Nakumbinsi ba kayo ni Requilman? Kung na-intriga ka sa Honda PCX160, i-check out mo lang ang www.hondaph.com.

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });