window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Ecooter E2L: Road-legal Electric Scooter na hindi lang pang village

Gilbert Chao · Oct 17, 2022 05:30 PM

Ecooter E2L: Road-legal Electric Scooter na hindi lang pang village 01

Marami sa atin na ang tingin sa electric scooter ay pang-ikot lang sa loob ng village o residential subdivision. Ito kasi ang naging usual na gamit ng mga ito dahil marami sa mga e-scooter o e-bike na available sa market ngayon ay either limited ang range or hindi road legal. Pero alam niyo ba na mayroon ding available na e-scooter may usable range at allowed ng Land Transportation Office (LTO) na gamitin sa public roads?

Ang Ecooter ay isang global electric scooter brand na may mga road-legal electric scooter offering dito sa atin. Ang best-seller nila, ang Ecooter E2L.

Sa styling pa lang ng E2L ay medyo makakakuha ka na ng hint na may pagka-futuristic ang e-scooter na ito. Clean at minimalistic ang kanyang design cues at walang mga sharp lines o colorful decals. Nag-effort talaga ang Ecooter na gawing less obvious ang mga dugtungan ng body panels ng E2L para magmukha itong isang molded piece. Na-complement pa ang over all look nito ng single-side mounted na rear wheel.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Ang Ecooter E2L ay hindi lang futuristic sa itsura, high-tech din ang mga features nito. Ang E2L ay may keyless operation system kaya puwede mo siyang i-on gamit lang ang remote key. Ang actual na susi ay kailangan lang gamitin pang bukas ng underseat compartment at pang lock ng handle bar. Puwede mo rin i-pair ang iyong unit sa phone mo via Ecooter App para ma-customize mo ang LCD monitor display ng instrument panel o kaya naman ay i-check ang iyong tire pressure. Yes, may tire pressure monitor ang E2L.  

Ecooter E2L: Road-legal Electric Scooter na hindi lang pang village 01

Ang E2L ay mayroon ding Smart Mode, na naglilimit sa top speed nito sa 60 kilometers per hour para maabot ang full battery range na 80 kilometers. Ang Sport Mode naman ay may top speed na 75 kilometers per hour pero based sa experience ko ay kaya pa ito hanggang 80 to 85 KPH. Mas nag-enjoy ako sa Sport Mode kaya ito na ang gamit ko the whole time. Dahil diyan, at sa bigat ko na 180 lbs. (plus VAT) ay nakakaabot lang ako ng 60 kilometers per full charge. More than enough pa rin naman para sa isang round trip sa office o kaya ay para sa ilang errand trips. Kung gusto mo naman na i-maximize ang range ng E2L ay puwede mong i-set sa 40 KPH ang Cruise Control, kung fairly predictable naman ang riding conditions mo. Yep, Cruise Control. Sabi naman sa’yo high-tech ang E2L.

Ecooter E2L: Road-legal Electric Scooter na hindi lang pang village 02

Fast charging din ang Lithium Battery ng E2L, 2.5 hours lang at fully charged ka na. Kung may socket ka sa garahe at puwede mong i-plug in directly ang e-scoot mo. Kung wala naman ay i-pull out mo na lang ang battery at i-charge sa kahit saang wall socket. Based sa testing ng Ecooter Philippines, around Php 15 lang ang cost per full charge kaya sobrang siya. Sa situation ko, for example, na umaabot ng 60 kilometers per charge, papatak siya sa 25 sentimos lang kada kilometro. Sa isang regular gasoline-powered scooter, kaya ko rin naman umabot ng 60 kilometers per liter, pero hindi ko alam kung saan makakabili ng isang litrong gas sa kinse pesos.

Ecooter E2L: Road-legal Electric Scooter na hindi lang pang village 03

Kung iko-compare din natin ang Ecooter E2L sa isang conventional scooter ay para itong isang 100cc scooter in terms of handling ang acceleration. Size-wize naman, similar ang dimensions nito sa isang 125cc to 150cc. Medyo malabot para sakin ang suspension ng E2L at minsan ay nagbo-bottom out siya kapag hindi naalalayan sa malalim na lubak. Pero kung ma-flat ka naman dahil sa unpredictable road conditions natin ay puwedeng i-run flat ang 12-inch tubeless tires nito hanggang 50 kilometers basta huwag ka lang tatakbo lampas ng 30 KPH.

Ang Ecooter E2L ay may price tag na Php 95,000, medyo malayo sa presyo ng mga nakasanayan nating mga e-scooter na nasa Php 20,000 to Php 30,000 range. Justified naman, dahil malayo rin ang difference nila sa features at performance. At dahil significantly mas matipid ang operation cost nito compared sa isang conventional gas-powered scooter, madali mong mababawi ang investment mo dito.

Sa mahal ng gasolina ngayon at sa looming threat ng global warming, panahon na ba na mag-switch na tayo sa electric scooters?

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });