window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

5 ways para malaman kung palitin na ang langis ng motor mo

Gilbert Chao · Jan 17, 2023 07:00 AM

5 ways para malaman kung palitin na ang langis ng motor mo 01

Ang isa sa mga advantages ng paggamit ng motorsiklo bilang personal transportation ay ang mas mababang maintenance cost. Kung tutuusin nga, ang kailangan mo lang bigyan ng pansin, every now and then, ay ang engine oil nito. Madyo matindi kasi ang trabahong ginagawa ng langis para sa ating mga motor, lalo na doon sa mga small displacement na oil-cooled engines.

Ang langis ay naglu-lubricate at nagre-regulate ng operating temperature ng ating makina. Kung wet clutch ang motor mo (manual transmission), ito rin ang tumutulong para maiwasan ang pre-mature wear ng clutch lining. While mayroon namang recommended oil-change interval ang bawat manufacturer, mas mabuti pa rin na regularly i-check ang condition ng langis para malaman natin kung kailangan na ito palitan.

Sa ating mga experienced riders, madali naman natin mapansin ang mga indicators ng palitin na langis. Pero minabuti na rin namin na komunsulta sa YHI Philippines, distributor ng Elf Lubricants sa bansa para sigurado. Ayon sa kanila, ito ang mga signs na palitin na ang engine oil mo.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Maitim at may mga latak 

Marami sa atin, kapag nakakitang ganito ang kundisyon ng langis, ay iisipin agad na poor quality ang oil na nabili natin. Pero alam niyo ba na indicator ito na nagtrabaho ng maigi ang langis mo? Ang dumi na nakikita mo ay ang debris na dapat sana ay naiwan sa loob ng makina kung hindi effective ang langis na ginamit. Kaya ugaliing i-check ang dip stick regularly.

Warning indicator

May ilang modelo ng motor na may oil-change indicator para matulungan ang rider sa pag-monitor ng condition ng langis. Usually ay nagbabase ito sa mileage ng motor pero ang iba ay may oil pressure sensor.

Lampas na sa kalendaryo

Puwede mong i-check ang iyong service booklet dahil doon ay nilalagay ng iyong technician kung kailan ang next due date mo ng oil-change. Mayroon din naman na schedule nan naka-plot sa owner’s manual ng iyong motor. Tandaan na ang langis ay naluluma kahit hindi ginagamit kaya ang basis ng oil-change interval ay mileage at time period, whichever comes first.

Maingay na makina

Kapag ang tunog ng iyong makina ay mas maingay than usual, posibleng senyales na ito na degraded na ang oil mo. Ang langis kasi ay nagsisilbing manipis na film na bumabalot sa mga moving parts ng makina para hindi maglapat ang mga ito. Kapag nagkiskisan ang mga bakal sa bakal na piyesa ay mas prone ito sa over-heating at pre-mature wear. Siyempre, mas maingay nga din ito.

Below recommended level

Sa dip stick ng iyong motor ay may oil-level indicator para madaling makita kung nasa tamang dami ang langis ng iyong makina. May mga modelo kasi ng motor na nagco-consume ng langis lalo na kung laging high-rev ang gamit. Ang ibang motor naman ay may sight glass sa makina instead na dip stick. Dito ay makikita mo agad hindi lang oil level, pati na rin kulay.

Huwag nating tipirin sa langis ang ating mga motor para suklian tayo ng mga ito ng safe at matagal na service life. Hindi rin naman kamahalan ang engine oil ng motor lalo na at 1 liter lang naman kadalasan ang kailangan nito. Mas mahal pa nga ang sibuyas eh.

Ikaw, kailan ka huling nag check ng langis?   

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });