window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Honda, Humakot ng mga Trophy nitong August 2022

Gilbert Chao · Sep 7, 2022 06:30 PM

Honda, Humakot ng mga Trophy nitong August 2022 01

Bilang isang nagungunang Motorcycle brand hindi lang dito sa atin pati na rin sa buong mundo, sinisigurado ng Honda na ang kanilang mga products ay makapagbigay ng best possible quality at reliability sa kanilang mga customers. Pero alam niyo ba na malaki ang ambag ng kanilang racing experience sa overall development ng kanilang mga motorcycle models?

Kaya naman kina-career ng Honda ang kanilang pagsali sa local at international races. In fact, nitong August lang ay nakakuha sila ng maraming recognition sa larangan ng motorsports gamit ang kanilang popular models na CRF at CBR.

Honda, Humakot ng mga Trophy nitong August 2022 02

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Noong August 14 ay nakamit ni Tim Gasjer ng Team HRC ang championship sa round 16 ng 2022 MXGP sa Finland, gamit ang CRF450R. Sinundan naman ito ng panalo ni Chase Sexton sa 450 Class ng AMA MX Round 11 sa Ironman National sa America noong August 27, gamit ang kaparehong motor. Hindi naman pahuhuli ang CRF250R dahil nakuha naman ni Jett Lawrence at Hunter Lawrence ang 1st at 3rd place sa 250 Class ang parehong race event gamit ito.

Honda, Humakot ng mga Trophy nitong August 2022 01

Kung tumatabo ang CRF sa motocross ay ganoon din naman ang CBR sa circuit. Nag-champion ang Team HRC sa Suzuki 8-Hour Endurance Race sa Japan nitong August 7 gamit ang popular na CBR1000RR-R Fireblade.

Honda, Humakot ng mga Trophy nitong August 2022 02

Sa Moto 2 naman, nakuha ni Ai Ogura ng Japan at Somkiat Chantra ng Thailand ang top two positions ng Australian GP para sa Honda Team Asia noong August 21. Gamit nila ang Kalex Moto2 four-stroke race motorcycle na may Honda engine.

Honda, Humakot ng mga Trophy nitong August 2022 03

Alfonsi Daquigan on a Honda CBR150R. Photo by Nikko Llagas courtesy of Honda Philippines

Dito naman sa atin, nakuha ng 12-year-old na si Alfonsi Daquigan ang 2nd place sa Super Sport 155 Class ng National Motorcycle Racing Championship na ginanap sa Batangas Racing Circuit. Noong August 14 naman ay naipanalo niya ang TSR Championship Super Sport 155 Class sa Carmona Race Track. Gamit niya ang Honda CBR150R sa parehong karera.

Honda, Humakot ng mga Trophy nitong August 2022 04

Jakob Sablaya in action. Photo by Inside Racing, courtesy of Honda Philippines.

Nagpakitang gilas naman si Jakob Sablaya sa Tarlac Racing Hill nitong August 21 nang mag-dominate siya sa Super Underbone Sealed at Super Underbone Open categories ng MotoIR gamit ang Honda Supra GTR150. Nakuha rin niya ang 2nd place sa MotoIR2 gamit ang CBR150R.

Naka-aaliw isipin na ang mga race bikes na ginamit sa mga karera na na-mention ay available dito sa atin. Puwede kang magpunta sa mga Honda 3S shops nationwide o kaya ay magpunta sa website nila www.hondaph.com. Tandaan lang natin na ang karera ay sa track at hindi sa kalsada.  

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });