Si April King Mascardo ang isa sa dalawang Pinoy na nakatuntong sa podium sa ARRC rounds sa Japan. Photos from Yamaha Philippines.
Kahit mahaba-haba ang naging pahinga sa schedule ng karera, sinigurado ng Yamaha Philippines Racing Team na ma-maintain ang kanilang condition at maihanda ang pangarerang Sniper155R para sa pagsabak sa Round 3 ng Asia Road Racing Championship na ginanap sa Japan.
Bago ang Round 3 ay nangunguna sa mga pambato ng team si April King Mascardo, na nasa 7th place sa championship standings. Sumusunod naman sila J.E. Inguito sa 9th place at Gian Carlo Mauricio sa 24th.
Nagtapos na 3rd place si J.E. Inquito sa Race 1 ng ARRC Round 3
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });
Sa Race 1 ng Round 3 ay nasa 12th starting position si Inguito while si Mascardo at Mauricio naman ay nasa 15th at 19th position. Halos sa buong duration ng race ay binubuntotan lang ni Inguito ang top 5 racers pero sa last minute ay nakakita siya ng opportunity at nasungkit ang 3rd place. Ito and second consecutive 3rd place finish ni Inquito sa buong season. Si Mascardo at Mauricio naman ay nagtapos sa 13th at 14th place sa Race 1.
Ipinamalas ni April King Mascardo ang kanyang talento sa pagtapos nito na 2nd place sa Race 2.
Sa Race 2 naman ay nagpakitang gilas si Mascardo. Tinapos niya ang warm-up lap na nasa 1st position pero medyo minalas sa qualifying rounds kaya kinailangan niyang mag-start sa last position ng grid sa actual race. Pero buo ang kanyang kumpyansa at kahit galing siya sa 20th position ay nakapasok agad s’ya sa top 10.
May mga laps din na nasa first position si Mascardo. Sa final lap ay nalaglag siya sa 4th position pero nasungkit pa rin niya ang second place pag-abot sa checkered flag. Ito ang unang podium finish ni Mascardo sa season na ito at sa ngayon ay nasa 4th place siya sa Championship Standings. Sila Inguito at Mauricio naman ay nagtapos sa 10th at 18th sa Race 2.
Sa October 8-9, 2022 ay muli silang sasabak sa Sepang International Circuit sa Malaysia para sa Round 4. Makuha na kaya ng Yamaha Philippines Racing Team ang pole position sa susunod na round?
Gilbert Chao
Motorcycle Editor
A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });