Unang ini-launch ng Royal Enfield sa Thailand noong August 2022, ang Hunter 350 ay ilalabas na rin dito sa atin ngayong Friday (February 10, 2023) sa Circuit Makati ng 3pm.
Ang Hunter 350 ay ang interpretation ng Royal Enfield ng isang roadster motorcycle. Unmistakable ang classic lines nito pero may distinct modern character. Kagaya ng mga naunang nailabas na Meteor at all-new Classic 350, ang Hunter 350 ay fitted din ng ipinagmamalaki nilang 349 cc air/oil-cooled, single cylinder J-series engine na talaga naman ngang ‘di hamak na mas smooth ang operation compared sa previous platform. Iniwan na nito sa nakaraan ang nakasaysayang vibrations na dati nang naging trademark ng Royal Enfield.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });
Pero kahit bago ang makina na ito ay na-retain pa din nito ang linear power delivery at low-end torque na bagay na bagay sa chill na pagmomotor. Kaya nito mag-produce ng 20.2 bhp (15 kW) sa 6100 rpm at 27 Nm sa 4000 rpm. Dahil sa newbie-friendly characteristics na ito ay hindi mahirap i-operate ang 5-speed manual transmission. Gamit din ng Hunter 350 ang Harris Performance chassis kaya malamang ay magaan ito dalhin kahit sa trapik.
Sa Thailand ay dalawang variant ng Hunter 350 ang kanilang ini-launch: ang Retro Hunter at ang Metro Hunter. Pareho silang may 17-inch wheels, harap at likod. Pero ang Retro Hunter ay naka-spokes tapos ang Metro Hunter ay naka-cast wheels.
Ang Retro din ay naka-drum brake sa likod kaya front ABS lang siya, while ang Metro naman ay dual-channel ABS. Ayaw naman nating pangunahan ang launch ng Royal Enfield Philippines pero likely naman ay iyang dalawang variants din ang ilalabas dito sa atin.
Sabi sa atin ni Jimmy Barinaga, President at CEO ng Royal Enfield Philippines, ay open sa public ang launch nila ng Hunter 350 at may pa-test ride pa sila. Kaya kung magagawi ka sa Circuit Makati sa Friday ay make sure na may dala kang helmet. Baka ang Hunter 350 na ang motor na hina-hunting mo.
Gilbert Chao
Motorcycle Editor
A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });