Kailan lang ay inilabas ng Royal Enfield dito sa atin ang Scram 411. Base na lang sa model name, 'matic na agad na i-assume natin na ito ay isang Scrambler bike. I-dagdag mo pa rito ang spoke wheels, semi-knobby tires at neo-retro styling, talaga namang #alamnathis. Pero ayon sa Royal Enfield, ang Scram 411 ay hindi isang ordinary na scrambler. In fact, sinasabi nila na under ito ng sub-category na tinatawag nilang Street Scrambler.
Gamit ang tried and tested na LS-410 engine platform ng Royal Enfield na sinamahan ng Harris Performance Chassis, ang Scram 411 ay isang agile na urban assault bike na kayang sumabak sa unpredictable road conditions na meron tayo. Gaya ng karamihan ng Royal Enfield models, ma-expect natin na ang Scram 411 ay madali rin gamitin dahil sa easy-going nature ng kanyang 411 cc, single-cylinder, air-cooled engine na may smooth power delivery at malakas na bottom end torque. Kaya nito mag-produce ng 17.88 kW (24.3 bhp) sa 6,500 rpm at 32 Nm sa 4,000-4500 rpm. Hindi kailangang galitin ang makina para makuha mo ang hatak na hinahanap mo.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });
Ideal learner bike ang Scram 411 para doon sa mga riders na nag-graduate na sa commuter bikes at nag-move up na sa leisure bikes. Dahil sa kanyang user-friendly engine specs, hindi kailangang madalas mag-shift ng gear. Hindi magiging mahirap i-operate ang 5-speed manual transmission nito kahit sa stop-and-go city traffic. Perfect din naman ito sa mga seasoned riders na naghahanap ng chill na daily ride.
Ang Scram 411 ay may 19-inch front at 17-inch rear, tire configuration. Bale wala dito ang mga potholes na nagsusulputan sa mga kalye naten after ng malakas na ulan. Samahan mo pa ng 190 mm suspension travel ng front fork at 180 mm travel ng rear monoshock, kayang-kaya sagasaan lahat ng lubak (at balok) na makita mo. Kung hindi mo naman makita ang dadaanan mo dahil nakalubog sa baha, no worries ka pa din dahil may 200 mm ground clearance ang Scram 411 kaya iwas sayad sa ilalim. Ano man ang riding conditions ay wala kang kaba dahil may dual-channel ABS na rin ito.
Sa base price na Php 311,000, isa na ang Royal Enfield Scram 411 sa mga pinaka-affordable na tollway-legal na motor sa local market. Versatile, user-friendly at may astig na neo-retro styling, ito na ba ang abot-kayang lifestyle bike na hinahanap mo?
Gilbert Chao
Motorcycle Editor
A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });