window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Pinoy Tandem Bitbit ang Bandila sa Moto Himalaya 2022

Gilbert Chao · Sep 5, 2022 06:36 PM

Pinoy Tandem Bitbit ang Bandila sa Moto Himalaya 2022 01

Si Barinaga (kaliwa) at si Llige (kanan) kasama ang Royal Enfield Himalayan units. Royal Enfield Himalayan ang motor na gagamitin sa Moto Himalaya 2022

"The mountain beckons, how will we answer? (Tinatawag ako ng kabundukan, ano ang aking isasagot?)" Ito ang sambit ni Jimmy D.L. Barinaga, isang avid motorcycle rider at member ng Himalayan Adventure Team ‘Pinas 2017. Isa siya sa mga unang Pinoy riders na nakapag-riding expedition sa Himalayas. Itong taon ay tutugon nanaman si Barinaga sa tawag ng kabundukan at sasama siya sa Royal Enfield Moto Himalaya 2022, na gaganapin sa September 9 to 17 sa Ladakh, India. Pero ngayon, sa halip na grupo ay tandem lang sila ng kanyang long-time friend at riding buddy na si Butch Llige.

"I was supposed to join Jimmy on his first ride through the Himalayas back in 2017, but I was tied down by commitments at the time (Dapat sana ay kasama din ako ni Jimmy noong 2017, pero may mga commitment ako noon na hindi ko maiwanan)" sabi ni Llige, na isang Television and Events Producer at Director. "The regret of being unable to join has haunted me for years. That’s why when the opportunity once more presented itself, I grabbed it without hesitation (Sobra akong nagsisi na hindi nakasama kaya nang may opportunity ulit na makasama ay game ako agad)" dagdag niya.

Si Barinaga at Llige ay mga official delegates ng Pilipinas para sa historical event na ito, na natigil ng 3 taon dahil sa pandemic. Ang sasalihan nilang grupo ay binubuo ng 20 riders at magmomotor sila ng 9 na araw mula sa Leh sa Ladakh at dadaan sa Khardung-la, kung saan naroon ang pinakamataas na kalsada sa buong mundo na may elevation na 18,380 feet above sea level.

Ang buong route ay abot ng 1,200 kilometers at 40% nito ay rough road. Ang isa pang matinding challenge sa expedition na ito ay ang altitude sickness. Dahil manipis ang hangin sa matataas na dadaanan nila, nag-undergo ng physical training ang dalawa para mas madaling maka-adjust sa mababang oxygen level na environment.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Maliban sa suporta ng kanilang pamilya, ang pagiging Makabayan at ang kanilang adventurous spirit ang ang nagbibigay lakas loob kay Barinaga at Llige na harapin ang matinding challenge na pagdadaaan para mailagay nila ang flag ng Pilipinas sa "tuktok ng mundo". Gusto rin nila magpasalamat sa mga sponsors tumulong sa kanila para mapaghandaan ang expedition na ito: Ride Manila (main sponsor), Kriega Bags, Cardo Packtalk, Nexx Helmets and Spidi Riding Apparels.

Ang Moto Himalaya ay isang annual na event na ino-organize ng Royal Enfield para sa mga pinaka-adventurous riders sa buong mundo. Palagay mo, one for the bucket list bai tong ride na ito? Para sa dagdag information,mag-visit ka lang sa www.royalenfield.com.

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });