Nitong nagdaang weekend ay nagkaroon ng isang intimate product launch ang FTR Helmets sa kanilang warehouse facility sa Malabon City. Para sa selected members ng media ay nagsagawa ang FTR ng isang product presentation ng kauna-unahan nilang helmet na in-introduce nila sa Philippine market, ang FTR FF861.
Ang FF861 ay isang full face helmet na ipinagmamalaki ng FTR dahil ito ay may parehong ECE at DOT safety rating. Isa rin ito sa mga pinaka-magagaan na dual visor (lens) helmets sa market sa weight nito na 1,550 grams +/- 50. Ang shell at lens ng FF861 ay gawa sa polycarbonate material while ang inner padding naman ay gawa laser-cut na special foam at ayon sa FTR ay hindi ito nade-deform kahit maraming beses labahan.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });
Ayon din sa FTR, ang FF861 ay may 190-degree peripheral view kaya mas kita ng rider ang kanyang riding environment. Ang aerodynamic design din nito at binabawasan ang wind noise ng 60% kaya mas hindi nakakapagod kahit sa matagalang gamit. Ang FF861 ay intercom ready, pinlock ready at ang inner pads ay may space provision din para sa mga rider na nagsusuot ng eyeglasses. Mayroon din itong quick release system para madali itong hubarin kapag emergency.
Ang FF861 ay available sa solid colors (Php 3,950) at graphic designs (Php 4,150). Sa ngayon ay mayroon itong 8 designs na pagpipilian. Maliban sa mga FTR helmets dealers ay mabibili rin ang FF861 sa Shopee at Lazada.
Ang FTR ay isang brand sa Thailand na kilala sa kanilang brake components at iba pang motorcycle aftermarket parts. Noong 2020 ay nag-expand sila ng business dito sa Pilipinas at ni-launch ang FTR Helmets brand. Matapos itong introduction ng FF861 ay susundan na ng FTR ang regular na paglalabas ng mga iba pang modelo ng helmets sa mga susunod na buwan. Puwede niyong sundan ang kanilang FB page para sa mga updates tungkol sa mga bagong produkto.
So, may international safety rating naman pala sila kaya ligtas naman gamitin. Anong mas trip mo na helmet, yung solid color o yung may graphic na design?
Gilbert Chao
Motorcycle Editor
A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });