window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

FULL REVIEW: Ano ang advantage ng Bristol Vantaggio sa kanyang competitors?

Gilbert Chao · Jan 9, 2023 11:00 AM

bristol vantaggio exterior

Unang nakilala ang homegrown motorcycle brand na Bristol sa kanilang affordable na 400cc classic bikes.

Sa ngayon ay marami na silang offerings sa kanilang line-up at may bike models sila sa iba't-ibang category.

Andiyan ang kanilang Bobber 650 na isang cruiser, ang Venturi 500 na adventure bike at Maxie 400 na isa namang maxi-scooter.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Pero mukhang hindi pa tapos ang Bristol sa pag-grow ng kanilang stable at bago natapos ang nakaraang taon, nag-launch naman sila ng kanilang contender para sa 150cc commuter scooter segment: ang Bristol Vantaggio.

Ang vantaggio ay Italian word na ang ibig sabihin ay advantage o benefit. So ano naman ang advantage ng Bristol Vantaggio kumpara sa mga competitor nito sa kanyang category?

Performance

bristol vantaggio road

Ang Vantaggio ay may pagka-"wolf in sheep’s clothing."

Dahil classic ang styling, hindi mo aakalain na halimaw pala ang performance. Ang 150cc liquid-cooled engine nito ay kayang mag-produce ng 14 PS at 14 Nm of torque.

Ayon sa Bristol, may top speed ito na 105 km/h, pero hindi na ako nag-attempt abutin ito. Masaya na ako na madali kong naabot ang 100 km/h kahit hindi masyadong mahaba ang bwelo.

Mas type ko kasi ang arangkadahan kaysa rektahan.

Build quality

bristol vantaggio exterior

Dahil medyo bago pa lang Bristol brand, madali nating pagdudahan ang quality ng kanilang mga motor.

Pero hindi mapapahiya ang Bristol sa kanilang Vantaggio. Ang fit and finish nito ay comparable sa mga kilalang Taiwanese scooter brands at tama ang lapat ng mga dugtungan ng panels.

Kahit ang foam ng upuan ay sakto ang firmness para sa akin. Kapag masyado kasing malambot ang upuan ay masakit sa lower back dahil kulang sa support.

Safety at security features

bristol vantaggio key fob

Ang 12-inch tires ng Vantaggio ay tubeless at may anti-lock brakes na rin ito sa harap at likod.

Ang Vantaggio ay may keyless operation system, kung saan puwede lang ma-activate ang motor kapag malapit sa unit ang remote key.

Mayroon din itong “answer back” function kaya mas madali mong mahahanap ang iyong unit sa parking lot.

Puwede mo rin namang gamitin ang back-up ignition key in case ma-damage ang remote key.

Fuel efficiency

bristol vantaggio stop start switch

Kahit malakas ang performance ng Vantaggio ay matipid pa rin ito.

Ang claimed mileage ng Bristol para sa Vantaggio ay 43 km/l, pero sa two weeks na gamit ko ang Vantaggio ay naka-39 km/l ako.

Hindi na masama, considering na gamit ko ito lagi sa trapik noong holiday rush. Malaking tulong kasi sa fuel efficiency ang idling stop system nito, lalo na sa urban riding conditions.

Pricing

bristol vantaggioe exterior

Sa ngayon ay available ang Bristol Vantaggio sa introductory price na ₱148,000.

Ang laki ng difference ng presyo sa closest rival nito. Pero kung tutuusin ay lamang naman ang Vantaggio sa performance at features.

Kahit wala pang gaanong history ang Vantaggio sa industry ay mukhang bumawi naman ito sa value for money.

Pagdating sa mga neo-classic scooters, mas importante ba sa inyoang heritage ng brand o ang practicality nito?  

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });