![Game ka ba mag-Moto Camping gamit ang scooter? 01]()
Hindi na bago sa ating mga riders ang concept ng moto camping. Pero mas naging popular ang activity na ito dahil mas madaling ma-observe ang mga social restrictions habang may pandemic. Mas less nga kasi ang chance ng hawaan ng Covid kapag nasa malawak na outdoor areas at makabubuti rin naman sa ating over all health ang exposure sa natural environment. Basta may kanya-kanya kayong tent ng ride buddy mo, ay safe ka sa virus at safe ka rin sa tsismisan ng mga Marites.
Ideally, ang ginagamit na motor pang moto camping ay mga adventure bikes dahil sa inherent off-road capabilities nito at may mga fittings ito para sa panniers o top box. Expected naman nga kasi na hindi maiiwasang mag off-road kapag papunta ng campsite at siyempre, kailangan mo magdala ng mga provisions. Sa campsite kasi, kagaya sa bukid, ay wala ring papel.
![Game ka ba mag-Moto Camping gamit ang scooter? 02]()
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });
Pero recently ay na-experience ko mag moto camping gamit ang Yamaha Mio Gear na isang 125cc scooter. Hindi ko naman masasabing isa akong off-road riding expert pero maraming beses na rin ako nakapag-trail gamit ang iba't-ibang dirt bikes. Pero aaminin ko, pinaka nag-enjoy ako gamit ang Mio Gear sa lahar ng Zambales. Of course, lahat ng motor ay may limitations at ito ang mga pros and cons ng paggamit ng scooter sa moto camping:
Pros
- Madali ito gamitin para sa mga hindi magaling mag-ride off road. Since automatic transmission (CVT) ito ay hindi ka nag-aalala na mamamatayan ng makina sa alaganing lugar. Dahil lahat ng controls ay nasa handle bar ay free ang mga paa mo na ipang-tukod para tumulong i-stabilize ang motor sa rough patches. Well, hindi ito ang tamang diskarte pero kung newbie ka naman ay better na ito kaysa gumulong sa lupa.
- Dahil generally ay mas magaan ang scooter kay less prone ito na mabalahaw o malubog ang gulong sa putik o buhangin. Kung mangyari man yun ay mas madali rin naman ito i-ahon.
- Kapag matumba ka naman ay hindi maiipit ang binti mo dahil sa step-through design ng scooter. Madali rin itayo kahit mag-isa ka lang dahil nga magaan.
- Kung ma-damage man ang scooter mo sa iyong adventure trip ay hindi masyadong masakit sa bulsa dahil halos barya lang ang presyo ng mga piyesa at madali lang ang mag-repair.
- Gaya ng Mio Gear, karamihan ng scooter ay may charging socket kaya iwas low batt kahit malayo sa kabihasnan.
![Game ka ba mag-Moto Camping gamit ang scooter? 01]()
Cons
- Mababa ang ground clearance ng scooter kaya mas prone sumayad ang ilalim. Kailangang planuhin ng mabuti ang dadaanan.
- Mas maliit ang gulong at mas short travel ang suspension kaya ramdam mo lahat ng mga lubak. Hindi gaya ng standard na motor na nasa bandang gitna ng frame ang foot pegs, ang scooter ay nasa bandang harapan ang floorboard kaya hindi balance tayuan habang sinasagasaan ang mga lubak.
- Walang gas tank sa harapan na puwede ipitin ng hita para maka-mount ng mabuti ang rider habang nasa malubak.
- Halos lahat ng scooter ay naka-cast wheels at rare ang naka-spokes kaya mas may chance na mabengkong.
- Ang belt drive assembly ay hindi water tight at madaling maabot ng tubig kaya limited ang capability na tumawid ng ilog o sapa.
![Game ka ba mag-Moto Camping gamit ang scooter? 02]()
Totoo naman nga na ang scooter ay designed para gamitin sa urban setting pero in principle, lahat naman ng two-wheelers ay, to some extent, off-road capable. Tsaka nasa diskarte ng na lang ng rider yan. Wala nga daw sa pana yan, nasa Indian. Ang point naman talaga ng camping ay mag-survive with bare essentials lang. Palagay ko mas mabibigay ng scooter ang back-to-basic experience na kailangan natin lahat.
Ano, tara? Moto camping na!
![](https://images.autofun.ph/file1/b2110cef42384e60aa683a30f2324f40_200x200.jpg)
Gilbert Chao
Motorcycle Editor
A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });