Moto lane revival: Pabor ba kayo na magkaroon ng exclusive lane para sa mga motorsiklo?
Gilbert Chao · Oct 13, 2022 05:32 PM
0
0
Kahapon (Oct. 12, 2022) ay nagsagawa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng consultative meeting kasama ang mga motorcycle rider groups at ilang stake holders tungkol sa planong pagbabalik ng implementation ng motorcycle lanes sa ilang major thoroughfares sa November. Ayon kay MMDA Chairman Carlo Dimayuga III, ang hakbang na ito ay mas makatulong sa road safety ng mga motorcycle riders at ibang motorist na rin.
Based sa data ng MMDA noong 2021, may 26,768 motorcycle-related accidents ang nai-record sa National Capital Region (NCR) lang. 295 daw dito ay fatal while 14,500 naman ay nag-cause ng physical injury sa involved. Nakikita nila na ang pagtaas ng bilang ng motorcycle-related accidents ay resulta ng pagtaas din ng population ng motor sa kalsada. Ayon kay Dimayuga, sa 2.9 million na registered vehicles sa Metro Manila, 1.44 million dito ay motorsiklo.
Nauna nang nagkaroon ng motorcycle lanes sa ilang main roads bago ang pandemic pero ang implementation nito ay one-sided, kung saan bawal lumabas ang motor sa motorcycle lane pero puwedeng gumamit nito ang mga ibang sasakyan (kotse, truck, etc.). Pero sa ngayon ay pinag-aaralan ng MMDA na gawing exclusive ang mga lanes na ito para sa mga motorsiklo. On-going pa ang kanilang consultation regarding dito kaya wala pang final details ang MMDA tungkol implementation nito. Ang siniguro lang nila ay una nila itong i-implement sa Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil mas kaya ng infrastructure nito na makapag-allot ng isang exclusive lane.
Ilan sa mga nag-participate sa consultation kahapon ay sina 1-Rider Partylist Representatives Cong. Ramon Rodrigo Gutierrez at Cong. Bonifacio Bosita. Nag-attend din ang mga representatives ng ilang government agencies gaya ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), Department of Public Works and Highways (DPWH), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), Philippine National Police – NCR, Quezon City local government. Kasama rin sa meeting ang ilang bus at jeepney operators sa Commonwealth Avenue route at mga representative ng motorcycle Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Ang exclusive motorcycle lane ba ay makatutulong sa safety ng lahat ng road users o isa lang itong discriminatory policy laban sa mga riders? Ano sa palagay mo?
A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.