Madalas, malaking factor sa success ng isang produkto ay ang pangalan nito. Kailangan distinct, madaling tandaan at may angas factor. Mukhang iyan nga yata ang strategy ng Bristol sa kanilang mga motorcycle models. Kaya naman ang ipinangalan nila sa kanilang first offering sa sport category ay Invictus 400rr.
Ang “Invictus” ay isang Latin term na ang ibig sabihin ay “undefeated”. Bagay naman, dahil sa styling pa lang ay winner na winner ang dating ng Invictus 400rr. Ang nagustuhan ko in particular ay iyong single-sided swing arm at exposed na rear wheel. Usually ay nakikita lang ang set-up na ganito sa mga mas expensive na Italian bikes.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });
Of course, gugustuhin mong masubikan ang full potential ng Invictus 400rr sa race track, sport bike nga e. Buti na lang at tollway legal ito kaya hindi hassle ang pumunta sa alin mang track na type mo.
Well, mukha namang recognized siya as 400cc kahit 371cc lang ang actual displacement. In fact, sa promotional video nga ng Bristol para sa Invictus 400rr ay panay nasa tollways ang running footage nito.
Puwede nating sabihin na ang Invictus 400rr ay ang full-faired sport version ng isa pang Bristol model na may maangas din na pangalan, ang Assassin 400. Pareho silang fitted ng liquid-cooled, DOHC, twin-cylinder engine na kaya mag produce ng 29 kW at 28.5 Nm.
Halos identical sila sa specs: inverted front fork, 13-liter tank at ABS system. Naiba nga lang ang Invictus 400rr sa tire set-up nito na 110/70-17 (front) at 150/60-17 (rear). Mas mabigat din ito ng 2 kilo sa 151 kilograms.
Claim din ng Bristol na ang Invictus 400rr ay kaya umabot ng 26 kilometers per liter. Kadalasan ay hindi naman concerned ang sport bike riders sa fuel economy pero very relevant ito these days. Kaso, alam mo ba na hindi lang sa pang gas ka makakatipid sa Invictus 400rr dahil ang introductory ng Bristol para dito ay ₱278,000 lang? Isa na ito sa pinaka-affordable na tollway legal bike sa market ngayon.
Based sa presyo at sa features, mahirap nga ba talunin ang Invictus 400rr?
Check mo na lang ang website o FB page ng Bristol Motorcycles para sa availability.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });