window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Suzuki: Malabo pa ang electric na Hayabusa, electric commuter bikes muna by 2024

Gilbert Chao · Feb 3, 2023 08:45 AM

Suzuki: Malabo pa ang electric na Hayabusa, electric commuter bikes muna by 2024 01

Lahat naman siguro ng manufacturers ay may kanya-kanyang sense of commitment para ma-achieve ang carbon-neutrality sa kanilang production process at sa kanilang mga produkto mismo.

Sa strategy ng pag-achieve nito na nga lang siguro sila nagkakatalo. Ang Suzuki, for example, ay mukhang “slowly but surely” ang approach pagdating sa subject na ito.

Sa recent announcement ng Suzuki Global para sa kanilang growth strategy para sa fiscal year 2030, ibinahagi nila ang kanilang plano sa pagkakaroon ng mga electric motorcycle models o yung tinatawag nilang battery EVs.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Malinaw na sinabi ng Japanese manufacturing giant na hindi pa sila maglalabas ng mga battery EVs para sa kanilang high performance motorcycle segment in the next 10 years. Instead, ang plano nila ay i-develop ang mga existing internal combustion engines para maging compatible sa mga mas environment-friendly na bio-fuels.

So, kung gusto mo ng performance para sa Suzuki bike mo, hindi ito totally guilt-free. You can’t have your cake and eat it too, sabi nga nila.

Focus sa commuter EVs

Pero kung tutuusin, hindi naman ganoon kalaki ang impact ng mga performance bikes sa environment kung ikukumpara sa mga commuter bikes. Sa dami pa lang nga mga ito, tapos na ang boxing. Kaya naman itong segment na ito muna ang tinutukan ng Suzuki pagdating sa pag-shift sa battery EV.

In fact, plano nilang makapaglabas ng 8 battery EVs para sa commuter o small bike segment by 2030.

Ang balak nila by then na ang 25% sa kanilang product line-up ay battery EV. So parang isang bagong e-scoot o e-bike kada taon…at mukhang mauuna rito ang napapabalitang Burgman Street EV.

Suzuki: Malabo pa ang electric na Hayabusa, electric commuter bikes muna by 2024 01

Ito raw ay isang blueprint ng napapabalitang Burgman Street EV. 

Sa ngayon ay wala pang maibigay na plano ang Suzuki Philippines (SPH) tungkol dito pero confirmed naman pag-launch nila ng isang mas “environment-friendly” version ng current Burgman Street sa umpisa ng summer season dito sa atin. Confirmed din na 12-inches ang gulong nito sa harap at likod para wala nang issue sa mga maseselan.

Agree ba kayo sa battery EV strategy ng Suzuki o sa palagay niyo ay medyo mabagal ito?    

 

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });