Magkakaroon na ba ng Suzuki Burgman Street Electric? Asking for a friend.
Gilbert Chao · Jan 14, 2023 10:00 AM
0
0
Mayroon kasing nagsi-circulate sa Internet na patent blueprint ng isang electric scooter at unmistakable na Suzuki Burgman Street ang hugis nito. Tikom pa ang bibig ng Suzuki Philippines (SPH) nang ating tanungin tungkol dito pero base sa isang Indian website ay on-going na ang testing sa kanila ng Suzuki nitong sinasabing Burgman Street Electric.
Posible naman nga na sa India ito i-develop since doon din naman designed at developed ang gasoline-powered na Burgman Street na kilala dito sa atin.
Based sa supposedly “leaked” na blueprint ay makikita na mukhang ginamit pa din ang current frame /chassis nito at fit naman ang electric motor na nakapwesto sa bandang gitna. Dahil dito, malamang ay gagamit ang Burgman Street Electric ng chain drive para mai-transfer ang power sa rear wheel.
Hindi ito gaya ng ibang electric scooter na nakapaloob sa rear wheel hub ang electric motor. Dahil din diyan ay mukhang makakain ang underseat compartment dahil napwestohan na ng electric motor. Buti na lang at hindi nagalaw ang malapad na gulay board (floor board) kaya puwede pa rin itong magsilbing cargo bed sa pamamalengke.
Ang battery nito ay sinasabing fixed at hindi puwedeng i-pull out para ma-charge kaya hindi rin suitable ang Burgman Street Electric battery-swapping system, if ever. Pero ang ganitong type daw ng battery ay usually mas malayo ang range, so ito siguro ang naging consideration ng Suzuki.
Kung ano pa man ay likely hindi pa tayo magkakaroon ng ganito this year. Bet pa rin kasi nating mga Pinoy rider ang current Burgman Street e. Isa pa, mukhang kina-career ni Suzuki ang R&D ng Burgman Street Electric para siyempre walang issues pag nilabas sa market. Actually, kaka-launch nga lang ng Global Suzuki ng Burgman Street 125EX, na halos similar sa Burgman Street natin pero may ilang updates gaya ng Auto Stop-Start System at Silent Starter.
Sa ngayon ay enjoy naman talaga gamitin ang conventional na scooter. Madali magpakarga ng gas (kahit masakit sa bulsa) at iba pa rin ang feel ng internal-combustion engine. Medyo “KJ” pa kasi ang dating sa atin ng mga EV sa ngayon. Kung Burgman Street din naman ang pinag-uusapan ay environment-friendly din naman ito sa kanyang 53.5 kilometers per liter rating.
Siguro ay dadating din tayo sa EV era. Parang si Thanos lang yan, kontra-bida ang dating pero inevitable.
A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.