Tayong mga motorcycle riders ay may pagka-clannish, may tendency tayo na i-exclude ang mga tao o grupo na iba sa atin. Kaya naman natural lamang na mag-develop tayo ng sariling sub-culture, mga pag-uugaling madalas ma-oobserbahan lang sa mga kapwa riders din.
At siyempre, para mas madali tayo maka-identify sa ating mga ka-gulong ay nag-develop din tayo ng rider slang. Heto ang mga rider slang na madalas mong maririnig sa mga tambike sessions.
Takbong chubby
Ito ang pag-ride ng motor na chill lang ang takbo, easy-riding, kumbaga. Hindi lang ako sure kung intentional ito o iyon lang talaga ang nakayanan na speed ng motor dahil sa bigat ng rider.
In a sentence: “Paps, ride tayo sa weekend, pero takbong chubby lang ha?”
OBR
Official Back Rider, asawa o jowa na kinikilala ng mga ride buddies mo na may karapatang umangkas sa iyo. Ang mga OBR ay may mga puwet na bakal dahil kaya nilang umangkas mula Pasig hanggang Pagudpud, para masiguro na walang ibang pu-puwesto sa knailang upuan.
In a sentence: “Papi, may bago akong ride destination. Isama mo doon ang OBR mo, mag-eenjoy yun sa view."
Nagtahi ng daan
Lane-filtering. Pagsingit-singit sa slow-moving na traffic. Dahil madalas ay nangangailangan dito na magpalipat-lipat ng lane ay nagiging mukhang stitch pattern ang trajectory ng motor.
In a sentence: “Grabe ang traffic sa Cainta, tinahi ko na nga ang Ortigas Extension eh!”
Tabo
Oo, ito yung plastic na pansalok ng tubig na unofficial symbol ng Pinoy culture. Ito rin ang tawag ng mga riders sa sub-standard na helmet.
In a sentence: “Tabo lang ang suot ko pagbibili ng pandesal, iwas huli lang.”
Tocino
Road rash. Common injury ng mga rider na nakukuha sa pagkayod ng ano mang parte ng katawan sa semento o aspalto.
In a sentence: “Panay tocino ako nung huli kong semplang, hindi kasi ako nagsuot ng riding jacket.”
Gulay board
Floor board ng scooter, madalas na ginagamit na cargo bed kapag namamalengke.
In a sentence: “Winner ang Burgman Street sa lapad ng gulay board.”
Budol ride
Madalas naririnig sa mga off-road riders kapag napasabak sa mabagsik na terrain ng hindi inaasahan. Usually ay may mag-aaya na ang sasabihin ay easy lang ang route.
In a sentence: “Sabi mo back roads lang tayo, eh budol ride pala ‘to!”
Pantra
Business models na motor gaya ng Honda TM125 Alpha o Kawasaki Barako II. Ito ang mga klase ng motor na ginagamit pang-traysikel kaya “pantra” for short.
In a sentence: “Una akong natutong magmotor gamit ang pantra ng tatay ko.”
Tambike
Get together ng mga riders sa isang designated na lugar o establishment.
In a sentence: “Tara, tambike sa Motostreat sa BGC!”
Cager
Car driver/owner. Ang “cage” na tinutukoy ang iyong kaha ng sasakyan. Madalas ay medyo derogatory ito.
In a sentence: “Ang hirap minsan kapag naka-small bike, mabu-bully ka sa daan ng mga cagers.”
Ano mga paps, may gusto ba kayong idagdag sa list na ito?