window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Hala! BGC Moto Streat, pine-petition na ipasara

Gilbert Chao · Feb 2, 2023 12:00 PM

Hala! BGC Moto Streat, pine-petition na ipasara 01

Ang Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig ay unang nakilala natin na may pagka anti-motorcycles dahil sa mga ipinapatupad na mga regulations dito. Maraming ditong establishments na kahit may parking space ay hindi pinapayagang mag-park ang mga motor.

Sa mga pay parking ay madalas bawal din ang motor at kung mayroon man na puwede ay ito iyong mga nasa outskirts na ng BGC kaya malayo ang iyong lalakarin lalo na kung ang pupuntahan mo ay nasa sentro ng commercial district na ito.

Kaya naman laking tuwa nating mga riders nang maisipang buksan ng BGC management ang Moto Streat. Dito kasi ay VIP parking ang mga motorsiklo at puwede pa nga mag-park sa tabi mismo ng al fresco na table mo. Walang parking fee at hindi ka rin obligado na bumili sa mga establishments doon para makapag-park.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Hala! BGC Moto Streat, pine-petition na ipasara 01

Kaya mabilis itong naging popular na venue ng mga tambike, weekday man o weekend. Siguro, isang way lang ito ng BGC management para patunayan na hindi sila anti-motorcycles kagaya ng inakala natin.

Kaya lang, nagkaroon ng insidente sa Moto Streat nitong weekend kung saan nagkaroon ng gathering ang isang motorcycle group at naging medyo unruly ang mga miyembro nito.

Karaniwan naman na napupuno talaga ang Moto Streat kapag weekend pero ang nangyari ay umapaw na sa bangketa ang mga nakapark na motor kaya walang madaanan ang mga pedestrian. May ilan din sa mga riders ang nagpa-bomba ng maiingay nilang tambutso na siyang ineraklamo naman ng mga customers ng mga establishments sa area.

Umabot na sa punto na pati mga residente ng mga condominium sa paligid ng Moto Streat ay gumawa na ng petition para ipasara ang poborito nating tambike venue.

Hala! BGC Moto Streat, pine-petition na ipasara 02

Sa ngayon ay bukas pa naman ang Moto Streat sa riding public pero nilimitahan na ang oras nito. Kung dati ay bukas ito mula umaga hanggang hating gabi, ngayon ay puwede na lang tumambike dito mula 4pm hanggang 10pm.

Hindi naman natin sila masisisi dahil ang problema ay nagmula sa ating mga hanay. Sana po ay iwasan natin ang mga gawain na nakapeperwisyo sa ating kapwa para hindi naman tayo lahat mapasama.

Kung ang BGC ay napatunayan na hindi sila anti-moto, patunayan din natin na hindi naman deserving ng discriminatory treatment ang mga motorcycle riders. Behave lang tayo mga paps at iwas sa kamote moves. Hindi nasusukat ang ating “pagkalalaki” sa ingay ng tambutso. Instead, lalo lang nito pinahahalata na nagko-compensate tayo for something.  

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });