window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Gustong mag-adventure pero bitin sa budget? Try mo kaya itong Suzuki Skydrive Crossover

Gilbert Chao · Jan 10, 2023 12:00 PM

Gustong mag-adventure pero bitin sa budget? Try mo kaya itong Suzuki Skydrive Crossover 01

Sa SRP ng Suzuki Skydrive Crossover na ₱71,900, hindi ka rin manghihinayang na pag-laruan ito sa gitna ng damuhan. PHOTO BY KIT PILLA

Ang gaganda ng mga adventure scooters ngayon ano? Kaya lang, ang tataas ng presyo at ang tataas din ng seat height. Well, hindi naman issue para sa akin ang taas ng upuan dahil mas matangkad ako than the average Pinoy. Mas problema sa akin ang SRP ng mga adventure scoots na nasa ₱150,000 to ₱200,000 o mas mataas pa. Hindi niyo na naitatanong, kuripot ako eh.

ALSO READ: ICYMI: 5 adventure scooters launched in 2022

Kaya kung kuripot ka rin kagaya ko, kailangan mong maging open-minded ng kaunti at mag-consider ng ibang options. Kagaya ng Suzuki Skydrive Crossover, hindi man ito kasing tikas ang tinding ng mga mas malalaking adventure scooters, mas magaan naman ito dalhin on-road man o off-road.

Sa timbang nitong 94 kilograms, hindi sasakit ang katawan mo sa mga adventure rides mo. Sa SRP nito na ₱71,900, hindi ka rin manghihinayang na pag-laruan ito sa gitna ng damuhan.   

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Slightly-raised din ang hand grips ng Skydrive Crossover kaya mas may leverage ka sa pag-control ng handle bar. Bet ko yung exposed na handle bar set up nito, mas rugged ang dating. Mas madali rin magkabit ng accessories gaya ng wind screen.

Simple pero functional ang digital instrument panel, kailangan nga lang ng konting ingat para hindi ito ma damage kung plano mo talagang mag-ride off-road.

Gustong mag-adventure pero bitin sa budget? Try mo kaya itong Suzuki Skydrive Crossover 01

Mababa nga ang seat height ng Skydrive Crossover sa 740 mm kaya lang, medyo mababa din ang 150 mm ground clearance nito kaya pipiliin mong mabuti ang dadaanan mo para hindi sumayad ang ilalim. Maliban dito, belt-driven din ang Skydrive Crossover kagaya ng karamihan ng scooters kaya kung itatawid mo ng ilog ay iwasang mabasa ang CVT assembly para hindi mag-slide ang belt.

Gustong mag-adventure pero bitin sa budget? Try mo kaya itong Suzuki Skydrive Crossover 02

Maganda ang kapit ng 14-inch semi-knobby tires ng Skydrive Crossover sa lupa at damuhan. Pero dahil ang mayroon ito ay floorboard at hindi footpegs, medyo alangan tayuan sa malalaking lubak. Ang 113 cc na makina ng Skydrive Crossover ay kayang magbigay ng 6.7 kW at 8.7 Nm, hindi man kalakasan pero enough na ito para mag-enjoy ka sa pagtatampisaw sa putikan.

Gustong mag-adventure pero bitin sa budget? Try mo kaya itong Suzuki Skydrive Crossover 03

May limitations ang Skydrive Crossover, obviously, pero para sa isang rider na may limitations din ang budget (o sadyang kuripot lang) ay perfect na ito na toy scoot. Ano, G?

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });