Honda ADV160 ini-launch na sa Thailand kahapon (Oct. 4, 2022), susunod na kaya tayo?
Gilbert Chao · Oct 5, 2022 06:15 PM
0
0
Kahapon ay nagkaroon ng triple-launch ang Honda sa Thailand at isa sa mga modelong inilabas nila ay ang much-awaited na ADV160. Katulad dito sa atin ay in-anticipate din ng Thai market ang pagdating ng entry-level Adventure Scooter na ito. Kung gagamitin nating indicator ang mga regional launches na ginawa ng mga manufacturers before, malamang nga siguro ay paparating na rin dito sa atin ang Honda ADV160.
Base sa ating kasamahan sa Autofun Thailand, ang Honda ADV160 ay may 157cc, liquid-cooled 4-valve, single-cylinder eSP+ engine na may 11.8 kW at 14.7 Nm. Maliban sa dagdag sa displacement ay equipped na rin ang ADV160 ng Honda Selectable Torque Control (HSTC). Ang function ng HSTC ay ang pagre-regulate ng bigay ng power sa rear wheel kapag naka-detect ng pagdulas ng gulong ang sensor. Traction control, sa madaling sabi. Puwede itong i-off kung kailangan sa mga off-road situations.
Ilan pa sa mga bagong features ng Honda ADV160 ay ang mas mataas na windshield at ang mas malaking underseat compartment na may 30-liter capacity.
Sa Thailand nga lang ay available ang ADV150 sa dalawang variants: ang Standard at ang H2C x Kitaco Racing Soul Special Edition. Ang Standard ay available sa matte black, gray at red, while ang Special Edition naman ay may Kitaco decals at Yoshimura pipe. Sa price tag na 99,900 Baht ng Stadard variant ay papatak siya sa mahigit Php 156,000 sa atin.
So teka, ano pa yung dalawang model na ini-launch?
Magandang tanong yan, dahil style na talaga ng Honda Philippines Inc. (HPI) ang mag-unveil ng multiple models sa isang product launch event kaya may possibility na ilabas din ang mga ito sa naka-schedule na launch ng HPI sa Oct. 14, 2022. Kasabay ng unveiling ng ADV160 sa Thailand kahapon ay ang launch din ng Forza350 at ng Wave 125i.
So far ay wala pang local offering ang HPI sa mid-size maxiscooter segment kaya magiging exciting talaga kung magkakaroon tayo ng Forza350 dito sa atin. Recently lang ay inilabas nila ang Wave RSX dito sa atin kaya baka mas slim ang chance na ilabas din nila agad ang Wave 125i dito. Sa ngayon, kahit anong klaseng pangungulit ang gawin naming sa Honda ay ayaw pa talaga nila magbigay ng confirmation, ang sure lang tayo ay may gagawin silang launch sa Oct. 14.
A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.