Since inilabas ng Honda Philippines Inc. (HPI) ang PCX160 dito sa atin last June, marami ang nag-speculate na malamang ay susunod na rin ang pagdating dito sa atin ang much-awaited na ADV160. Ito naman talaga nga ang logical assumption dahil ang PCX160 at ADV160 at pareho ng platform. Lalong lumakas ang kutob natin na ilalabas na nga ng HPI dito sa atin ang ADV160 matapos itong i-launch ng Honda sa Indonesia noong July.
Pero hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng ating mga kaibigan sa HPI kung ilalabas na ba talaga nila locally ang ADV160. Instead, ang nangyari ay nasundan ang launch ng PCX160 ng magkasunod na unveiling ng Click160 at Airblade160, na may mga sari-sariling fans. Ang dalawang models na ito kasi ay compact na sporty scooters while ang ADV160 ay adventure touring ang features at character.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });
Base sa information na nakuha natin sa ating counterpart sa Autofun Indonesia, may ilang updates din sa features ang ADV160 maliban sa dagdag na engine displacement. Kagaya ng current ADV150, ang ADV160 ay mayroon ding single-channel ABS, pero ang lamang nito ay ang Honda Selectable Torque Control (HSTC). Pinipigilan nito ang power output sa rear wheel kapag na-detect ng sensor wheel slippage dahil sa kakulangan ng traction. Malaking pakinabang nito sa tuwing pag-accelerate palabas ng corner lalo na kung basa ang daan o may buhangin.
Taas ang kamay ng mga sumemplang sa parking lot dahil sa lumot.
Pero huwag mag-alala dahil hindi naman KJ (killjoy) ang Honda. Naintindihan nila na ang ilan sa atin gagamitin pang off-road ang ADV160 kaya nilagyan nila ang HSTC ng OFF switch.
Dahil sa dagdag na displacement ay nag-improve din ang output ng ADV160 na ngayon 11.8 kW at 14.7 Nm mula sa 10.7 kW at 13.8 Nm ng current ADV150. Pero dahil din dito ay naapektohan ang claimed fuel mileage nito mula sa dating 46.6 KPL (kilometers per liter) ay bumaba ng bahagya sa 45 KPL. Mas malaki rin ang underseat compartment ng ADV160 sa capacity na 30 liters. 2 way-adjustable pa rin ang wind shield pero mas matangkad na ito.
Sa ngayon ay hindi pa muna tayo makapag-celebrate dahil wala pang confirmation ng launch ng ADV160 galing sa HPI. Ang sure lang tayo ay mayroon silang ilalabas na bago next week kaya yung mga maaga nakatanggap ng bonus dyan, hawakan niyo muna yan. Sa aming estimate, malamang nasa Php 155,000 to Php 160,000 ang magiging price tag ng ADV160 kapag lumabas dito sa atin.
Sa palagay mo, sulit ba ang presyong ito?
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });