Honda Click160 vs Honda Airblade160: Aling Scooter ang Bagay Sa'yo?
Mikko David · Aug 26, 2022 12:30 PM
0
0
Recently ay inilabas locally ng Honda Philippines Inc. (HPI) ang dalawa sa kanilang much-awaited scooters, ang Click160 at ang Airblade160. Based sa kanilang model names ay malamang nahulaan n'yo na nga na pareho sila ng platform na ginamit. Pero pareho man sila na may 157 cc, 4-valve, liquid-cooled engine ay may slight difference naman ang dalawang scooter na ito sa performance.
Ang Click160 ay may maximum power na 11.3 kW at may maximum torque na 13.8 Nm. Ang Airblade160 naman kayang umabot ng 11.2 kW at 14.6 Nm. Siguro ay medyo negligible ang difference nila sa power pero ang lamang ng Airblade160 sa torque ay significant para sa ganitong engine displacement at mararamdaman mo talaga ito kapag nagamit mo sila nang magkasunod.
Kahapon ay nag-conduct ng pa-test ride ng Click160 at Airblade160 ang HPI sa Honda Safety Driving Center para actual na ma-experience ng mga moto media at vloggers ang performance ng dalawa nilang latest offering sa scooter segment. Dito ay nalaman natin na kahit lamang ng konti sa hatak ang Airblade160 ay mas maliksi naman ang handling ng Click160. Ang totoo, may kanya-kanya silang edge over the other.
Ang Click160 ay may flat na floorboard (gulay board) na puwede magamit na "cargo bed", while ang Airblade160 naman ay wala. Pero ang Airblade160 ay may 23.2-liter underseat compartment na kasya ang ilang maliliit na helmet. Comfortable ang ride ng Click160 dahil sa single shock absorber nito sa likod pero mas bagay naman ang firm na dual shocks ng Airblade160 kapag madalas kang may angkas.
Mahirap ba pumili?
Para mas mabigyan tayo ng guide, tinanong natin ang mismong HPI president na si Susumu Mitsuishi kung paano nila ipo-position sa market itong dalawang scooter na ‘to halos magkapareho. "The simple answer, Click160 is for riders who want versatility in their day-to-day riding. The Airblade160 is for those who prefer a sportier scooter" sabi n'ya.
Well, kahit alin naman sa dalawa ay walang talo. Pareho silang may Smart Key System na may answer back function at anti-theft alarm. Keyless operation na, iwas nakaw pa. Pareho din silang may full-digital instrument panel at all-LED lighting. May charging port din sila sa compartment. Pero ang pinaka-selling nila, lalo sa panahon ngayon, ay ang Idling Stop System (ISS). Automatic nitong pinapatay ang makina kapag naka-idle ka for more than 3 seconds. According sa HPI, ito ang main contributing factor kaya nakakaabot ng 46.7 KM/L ang Click160 at 47.5 KM/L naman ang Airblade 160.
Ang Click160 ay may suggested retail price na Php 116,900, while ang Airblade160 naman sa price tag na Php 119,900 ay may single-channel ABS na.
Kung hindi ka pa din makapili based sa mga information na yan, ang best thing to do na siguro ay i-test ride mo pareho. Balita ko ay may pa-test ride ang HPI sa Robinson's Novaliches today, August 26th. Kung free ka naman ay mag-drop by ka na lang para ma-experience mo rin ang mga sporty scooter na'to.
With an automotive career spanning 27 years as a former touring car racer turned automotive journalist and photographer, Mikko also handled marketing and PR for two major Japanese car brands before finding peace and purpose in sharing his views about cars, driving, and mobility.