window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Top 5 na paboritong scooters ng mga Angkas bikers

Gilbert Chao · Jan 26, 2023 12:00 PM

Top 5 na paboritong scooters ng mga Angkas bikers 01

So tapos na ang Chinese New Year, ano naman next? Siyempre, balentyms (Valentines day)!

Kung mayroon kang pina-planong date para sa inyo ng iyong special someone, suggestion ko, scooter ang ipang-sundo mo para mas romantic. In fact, madalas nga ma-feature sa mga romatic chick-flicks ang mga scooters dahil diyan. Isa pa, parang mas bagay i-ride pang dalawahan ang mga scooters dahil mas komportable ang upo ng parehong rider at pillion.

Na-intriga tuloy ako kung tama ang iniisip ko kaya nagtanong ako sa Angkas kung anong mga motorcycle models ang popular sa mga Angkas bikers.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Ayon sa ating kaibigan na si David Brian Medrana, Head of Operations ng Angkas, 70% sa gamit na motor ng kanilang mga riders ay scooters. Na-share din niya sa atin ang top 5 most popular scooter models sa kanila.

Kaya kung may balak kang mag-Angkas, pwede mong pag-pilian ang mga sikat na motor na ito.

Honda Click125i

Top 5 na paboritong scooters ng mga Angkas bikers 01

Well, hindi naman nakakagulat na ang Click125i ang pinaka-popular sa mga Angkas bikers dahil ito rin naman ang napapabalitang best-selling scooter sa bansa. Naka-ilang updates na rin ang Click125i since na launch ito noong 2018. Ang latest version nito, ang all-new Click125 ay inilabas ng Honda Philippines Inc. (HPI) last month lang.

Yamaha Mio i125

Top 5 na paboritong scooters ng mga Angkas bikers 02

Ang Mio model name naging synonymous sa word na scooter dito sa atin.  Malamang ay dahil sa dami ng variants na under ng Mio series line-up ng Yamaha, at ang Mio i125 ang kanilang entry-model sa segment…unless Mio Sporty ang type mo, dahil OG ka na mahilig mag-kalikot ng makina.

Honda BeAT

Top 5 na paboritong scooters ng mga Angkas bikers 03

Ito ang may pinakamababang displacement sa grupong ito pero ito rin ang pinaka-tipid sa gas. Ang Honda BeAT, lalo na iyong ISS (Idling Stop System) variant, ay kayang umabot ng 63.7 kilometers per liter.

Yamaha NMAX

Top 5 na paboritong scooters ng mga Angkas bikers 04

Napansin niyo ba basta pulis, naka-NMAX? Hayaan niyo, aalamin din natin ang dahilan niyan. Pero hindi lang sa alagad ng batas popular ang Yamaha NMAX, pati rin sa Angkas. Bakit hindi? 155 cc ito kaya malakas ang hatak. May pagka-maxi scooter din ang styling kaya mas komportable sakyan. Andito na lahat: ABS, traction control, start and stop system at Y-connect. Pero pang-apat lang ito sa listahan antin dahil may kamahalan ito sa SRP na ₱151,900.

Honda Click150i

Top 5 na paboritong scooters ng mga Angkas bikers 05

In fairness, dalawang variants ng Honda Click ang kasali dito. Ang Click150i ay ang kuya ng Click125i na may Idling Stop System (ISS), kaya kahit mas mataas ang displacement nito ay halos pareho sila ng fuel mileage (Click125i – 53 kpl, Click150i – 52 kpl). Pero kagaya ng Click125i ay phased out na rin ang Click150i. Ang bagong version nito ay ang Click160.

Ikaw, alin sa mga scooters na ito ang nasa garahe mo?   

     

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });