Kilala tayong mga Pilipino na masipag at matiyaga lalo pagdating sa paghahanap buhay. Higit lalo tayong maabilidad sa paghahanap ng pagkakakitaan para matustusan ang pangangailangan ng ating mga mahal sa buhay. Sa kabila ng pagsasara ng maraming negosyo dulot ng nakaraang mga lockdown may bagong income opportunity naman ang naging available para sa mga marunong magmotor, ang pagiging app-based delivery rider.
Ang mga delivery rider na ito ay nagsilbing mga bayani hindi lamang para sa kanilang mga pamilya kung hindi para din sa marami sa atin na hindi makalabas ng bahay dahil sa lock down. Sila ang nagsilbing tulay sa pagitan ng mga mamimili at ng pamilihan para patuloy na umandar ang ekonomiya. Hindi naging hadlang sa mga rider na ito ang kapansanan, edad o banta ng pandemic sa pagganap sa kanilang trabaho kaya naman sa pamamagitan ng kanilang initiative na “Sorpresang Ka-panda para kay Lolo at Lola” ay binigyang recognition ng Foodpanda ang ilan sa kanilang senior citizen na partner riders.
Nanay Emelinda (gray shirt) with the Foodpanda operations team
Isa sa kanila ay ang 63-year-old na taga Cavite na si Emelinda Galauran na dating isang tricycle driver. Kahit sa kanyang edad ay siya ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya. “Nakakataba ng puso na kinikilala yung paghihirap namin sa pagiging freelancer. Masaya ako sa trabaho dahil mababait ang customers sa tulad kong may edad na. Lahat ng ginagawa ko ay para sa aking pamilya kaya naman nagpapasalamat talaga ako sa Foodpanda sa mga oportunidad na ibinibigay sa amin," sabi ni nanay Emelinda.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });
Tatay Johnny
Si Johnny Catchero naman ay isang 64-year-old na taga Baguio na nawalan ng hanapbuhay dahil sa epekto ng pandemic. “Nagpapasalamat ako dahil sa foodpanda nagkaroon ako ng trabaho sa gitna ng pandemya. Alam kong senior citizen na ako pero hindi sila nagdalawang-isip na tanggapin ako. Mas naging maganda pa nga yung kalusugan ko dahil nakakalabas ako kumpara pag nandito lang sa bahay. May mga nagiging kaibigan din akong customers na magagalang sa mga senior citizen na katulad ko. Lagi silang nagbibigay ng tip bilang pasasalamat daw nila,” sabi ni tatay Johnny.
Sila at ang mga kasama nilang senior citizen na partner riders ay nakatanggap ng Php 50,000 worth ng items mula sa grocery arm ng Foodpanda na Pandamart at ilang partner establishments gaya ng Cebuana Lhuillier, Generika at TOP Vision Optical.
Ikaw, may kilala ka ba na delivery rider na mas matanda pa kina nanay Emelinda at tatay Johnny?
Gilbert Chao
Motorcycle Editor
A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });