Nagsagawa ng send-off party ang Yamaha Motor Philippines (YMPH) para sa kanilang racing team na muling sasabak sa international motorcycle racing arena itong October. Matapos ang kanilang magandang performance sa Round 3 ng Asia Road Racing Championship (ARRC) sa Japan, sina April King Mascardo, Gian Carlo Mauricio (UMA Racing MMR Yamaha Philippines Team) at J.E. Inguito (4S1M Yamaha Racing Team) muling lalaban sa October 8 at 9 para sa Round 4 ng ARRC na gaganapin naman sa Sepang International Circuit sa Malaysia. Si Mckinley Kyle Paz (Yamaha Philippines Stylo Bike Racing Team) naman ay dadalhin ang bandila ng Pilipinas sa Spain para lumaro sa FIM Junior Grand Prix (JRGP) sa October 9.
"Do your best in the next race. Keep in mind that you are racing not only for Yamaha or yourself, you are also doing this for the glory and honor of your country," sabi ni Shinsuke Iida, YMPH Sales and Marketing Operations Division Head.
"As a motorcycle manufacturer, ang top priority naming ay ang safety ng aming mga racers. We put high value in innovation, to ensure that everything, from the engine to the body design, sa mga race bikes ng aming team ay up to date," sabi naman ni John Hanzel Leyva, YMPH Motorsports and Safety Promo. Sinegundahan naman ang pahayag na ito ng Head Coach ng YMPH Racing Team na si Joey "Storm" Rivero. "Our advocacy is to encourage those who would like to go into motorcycle racing to follow in the footsteps of the YMPH racers and get into racing the proper way. Always do your racing on the track and keep racing off the streets. We have a saying, share the road but own the track," sabi ni Rivero.
Sundan ng inyong mga racing idol sa mga links na ito.