MMDA, magbubukas ng libreng Motorcycle Riding Academy itong first quarter ng taon
Gilbert Chao · Jan 27, 2023 04:30 PM
0
0
Nag-announce ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbubukas sila ng isang Motorcycle Riding Academy na open para sa lahat ng motorcycle riders.
Ang goal ng MMDA sa project na ito ay ang makatulong sa pagpapababa ng ng mga insidente ng motorcycle accidents sa pamamagitan ng pag-educate ng mga riders sa road safety practices.
“We thought of establishing this Motorcycle Riding Academy in order to give refresher course to our motorcycle riders insofar as traffic rules and regulations are concerned, traffic discipline and safety, and basic riding skills training,” sabi ni MMDA acting chairman Don Artes sa isang interview.
Kapag nagbukas na ay puwedeng mag-enroll dito kahit sinong rider, beginner man o experienced. Higit sa lahat, libre ang mga sessions dito at may matatanggap ka pa na certificate of completion.
Ang mga riding course ay may classroom-type lectures at actual motorcycle-riding simulation exercises. Kasama na dito ang lecture sa iba't-ibang road traffic rules, training sa basic control at operation ng motorsiklo, basic skills sa pag-avoid ng hazardous situations at basic emergency response.
Ang Motorcycle Riding Academy facility ng MMDA ay nasa the vacant property ng Government Service Insurance System sa Julia Vargas Avenue corner Meralco Avenue in Pasig City.
Sa ngayon ay under construction na ang facility at expected ito na maging operational sa loob ng first quarter nitong taon.
Kailangan nga ba?
Ayon sa MMDA, nakapag-record daw ang ahensya ng mahigit 24,000 na motorcycle-related accidents, at ang 258 cases dito ay fatal. Ayon naman sa World Health Organization (WHO), ang Pilipinas ay pang-11 sa 175 na bansa pagdating sa dami ng namamatay sa aksidente sa kalsada.
Hindi man tayo nakapasok sa top 16 sa Ms. Universe, at least dito pasok tayo sa semi-finals.
Pero walang biro, kailangan natin seryosohin ang road safety dahil napaka-halaga ng buhay ng tao. Kaya bilib kami sa project na ito ng MMDA. Napatunayan nila na hindi lang sila panay huli ng coding, concerned din naman pala sila sa safety nating mga riders.
A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.