Ang Honda Philippines Inc. (HPI), hindi lang mahilig sumali sa karera, mahilig ding mag-conduct ng touring rides para sa kanilang loyal customers.
Kaya kasabay ng press conference ng Honda para sa 2023 circuit racing plans nito noong January 28, 2023, ay nagkaroon din ng Big Bike Breakfast Ride para sa mga Honda big bike owners.
Iba-ibang Honda big bike models din ang makikita mo sa convoy gaya ng X-ADV 750, CRF1100 Africa Twin, CB500F at Rebel 500.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });
Hindi ito iyong usual nating poser ride papuntang Starbucks dahil ang mga participants nito ay nag-ride muna ng 129 kilometers mula sa Honda Safety Driving Center (HSDC) sa Sucat, Paranaque hanggang sa Here Café sa Clark, Pampanga bago nakapag-kape.
“We conduct this kind of activity every month because we value the enjoyment of motorcycle riding by giving new experiences to our riders,” sabi ni Raymund Cristobal, National Sales Manager ng HPI. “This is also why we continue to develop world-class technology engines for our valued customers,” dagdag niya.
Ito ang 4th Big Bike Breakfast Ride ng HPI since nag-start ang pandemic at mukhang balak ng Honda na ipatuloy ito para sa enjoyment ng kanilang mga customers.
Magandang opportunity kasi ito para sa mga Honda big bike owners para safe na ma-appreciate fully ang kanilang mga motor dahil ang mga ride marshals nito ay ang mga HSDC ride instructors. Makaka-bonding mo rin dito ang mga fellow riders mo over breakfast, at si Honda pa ang taya.
Pero dahil nga marami pang ibang motorcycle models ang Honda maliban sa kanilang big bikes, ay mayroon din silang touring ride para naman sa small bikes din gaya ng kaka-launch lang na all-new Click125.
Gagawin nila ito sa Cebu sa darating na February 11, 2023 kaya kung taga-Cebu ka at mayroon kang Click125 ay i-message mo na sila sa kanilang FB page para makasali ka.
Sa tingin mo, alin ang mas enjoy pang-touring ride, small bike o big bike? Huwag mahiyang i-score ang storyang ito, lalo na kung nagustuhan ninyo.
window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [
728,
90
], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });