window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Bagong Suzuki Burgman Street 125EX, parating na sa ‘Pinas!

Gilbert Chao · Jan 19, 2023 08:30 AM

Bagong Suzuki Burgman Street 125EX, parating na sa ‘Pinas! 01

Initially, ang Suzuki Burgman Street ay inilabas sa India bilang isang Asian-oriented, na mas affordable version ng mga kilalang Suzuki maxi scooters sa kanilang Burgman series. Pero dahil naging successful ito sa market ay nagkaroon na din ito ng demand sa iba't-ibang bansa.

Kaya noong October last year ay nagkaroon ng world-premier ang Suzuki Motor Corp. para sa tinatawag nilang luxury scooter, ang Burgman Street 125EX.

Ang Burgman Street 125EX ay ang updated version ng popular na Burgman Street dito sa atin. So anong updates mayroon ito?

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Bagong Suzuki Burgman Street 125EX, parating na sa ‘Pinas! 01

Suzuki Eco Performance Alpha (SEP-a)

Ang bagong SEP-a ay sinasabing mas refined at mas matipid compared sa current SEP engine. First time itong in-introduce ng Suzuki dito sa Burgman Street 125EX.

Engine Auto Stop-Start (EASS)

Ang current na Burgman Street ay kaya maka-abot ng 53.5 kilometers per liter. Puwede nating ma-expect na mas magiging matipid pa ang Burgman Street 125EX dahil ang EASS nito ay kusang papatayin ang makina kapag nakatigil sa mga stop lights para bawas aksaya ng gas.

 

Silent Starter System

Kadalasang may ganito ang mga motor na may idling stop system na kagaya ng EASS. Mas tahimik at reliable ang pag-start ng makina.  

Rear cargo rack

Bagong Suzuki Burgman Street 125EX, parating na sa ‘Pinas! 02

Mas malapad at mas functional na ito kumpara sa grab rail na mayroon ang Burgman Street ngayon. May abang na rin ito para sa top box kaya isasalpak na lang at hindi na kailangan ng after-market rack.

12-inch rear wheel (tada!)

Bagong Suzuki Burgman Street 125EX, parating na sa ‘Pinas! 03

Magandang balita ito para sa mga maselan na riders. De-dose na ang gulong sa likod ng EX version. Mas malaki nang kaunti sa de-diyes ng current Burgman Street na ginagawan ng issue ng iba. Pero ito yan, 100/80-12 vs 90/100-10. Do the math.

Hindi pa makapagbigay ng exact date ang Suzuki Philippines kung kailan nila ito ilalabas pero nag-confirm naman sila na lalabas nga ito sa atin soon.

Hinala ko? Lalabas yan within the first quarter. By that time siguro, makatao na ang presyo ng sibuyas. Unfortunately, hindi natin masasabi yan pagdating sa presyo ng Burgman Street dahil naka-ilang price increase na ito in the past months.

So whether balak mong antayin yun EX version para maka-take advantage sa mga updates o plan mo nang kumuha ngayon ng current version para maka-iwas sa possible price increase (₱82,400 ang SRP ng Burgman Street ngayon), nasa iyo yan. Either way, wala ka naman talo.

Given yung mga upgrades na mayroon ang Burgman Street 125EX, magkano ang magiging SRP nito sa palagay mo?

 

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });