window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_breadcrumb_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570295608-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570295608-0'); });

Spot the Difference: Anong mayroon sa all-new Honda ADV160 na wala sa outgoing model na ADV150?

Gilbert Chao · Oct 17, 2022 07:30 PM

Spot the difference. Anu-ano ang mga nakikita ninyong pagkakaiba ng Honda ADV150 sa ADV160?

Spot the difference. Anu-ano ang mga nakikita ninyong pagkakaiba ng Honda ADV150 sa ADV160?

Since ni-launch ng Honda Philippines Inc. (HPI) ang all-new ADV160 nitong Friday (Oct. 14, 2022) ay hindi na mapakali ang mga fans ng adventure scooter na ito. Pero personally, hindi pa nga ako naka-get over sa hype ng outgoing model na ADV150. Sa tingin ko ay very competitive pa rin ang features nito laban sa mga current players sa market segment. Kaya lang ay hindi na inantay ng HPI na malaos ang ADV150 bago maglabas ng replacement model.

So ano nga ba ang mayroon sa all-new ADV160 na wala sa kanyang predecessor? Isa-isahin natin.

  1. 157cc, 4 valve eSP+ engine – ang bigger displacement engine na ito ay kayang mag produce ng maximum output na 11.8 kW sa 8,500 rpm at maximum torque na 14.7 Nm sa 6,500 rpm.
  2. Honda Selectable Torque Control (HSTC) – ang technological feature na ito may function na nagre-regulate ng bigay ng power sa rear wheel kapag naka detect ng wheel slippage ang sensor. Ang purpose nito ay para maiwasang dumulas ang rear wheel kapag nag-accelerate sa low traction conditions.
  3. Lower Seat Height – From 795mm ay ibinaba ng Honda ang seat height ng ADV160 sa 780mm para hindi mahirapan ang mga Pinoy riders na may average height o pababa. Ang impressive dito ay na-maintain nila ang ground clearance na 165mm.
  4. Bigger Fuel Tank – May tank capacity ang ADV160 na 8.1 liters, mas mataas ito ng 100 ml sa previous model. Hindi man ito masyadong impressive on paper pero based sa 45 kilometers per liter na claimed mileage ng ADV160 ay very significant ito. Meaning, hindi ka magtutulak ng 4.5 kilometers papuntang gas station. Do the math.
  5. Taller Windscreen – Mas mataas ng 4% ang windscreen ng ADV160 at two-way adjustable pa rin ito.
  6. Larger Underseat Compartment – ang dating 28-liter capacity ng ADV150 ay ginawa nilang 30 liters sa ADV160. Kasya sa loob nito ang karamihan ng full face helmets at may space para sa gloves at ilang maliliit na bagay.
  7. More Spacious Front Compartment with USB Port – Kung dati ay kailangan pa ng adaptor para magamit ang charging socket, ngayon ay may USB port na ang ADV160. Mas pinalaki rin ang front compartment para hindi lang phone ang mai-charge dito kung hindi pati mga tablet at iba pang mas malaking devices.

Kasya ang isang full-face helmet sa loob ng compartment ng Honda ADV160.

Kasya na ang isang full-face helmet sa loob ng underseat compartment ng Honda ADV160.

 

Dahil may mga pinalaki at pinataas si Honda sa ADV160, natural lang na ganoon din ang presyo. Sa price tag nito na PHP 164,900, medyo ramdam din ang itinaas niya sa kanyang pinalitan na model. Ikaw, solb ka ba sa SRP ng ADV160 given ang mga new features nito?

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_fourthp_under_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570261346-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570261346-0'); });

Gilbert Chao

Motorcycle Editor

A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.

window.googletag = window.googletag || {cmd: []}; googletag.cmd = googletag.cmd || []; googletag.cmd.push(function() { googletag.defineSlot('/22557728108/ph_motor_article_relatedmodel_above_pc', [ 728, 90 ], 'div-gpt-ad-1686570278199-0').addService(googletag.pubads()); googletag.pubads().enableSingleRequest(); googletag.pubads().collapseEmptyDivs(); googletag.enableServices(); });
googletag.cmd.push(function() { googletag.display('div-gpt-ad-1686570278199-0'); });
window._taboola = window._taboola || []; _taboola.push({ mode: 'thumbnails-a-2x2-stream', container: 'taboola-below-article-thumbnails', placement: 'Below Article Thumbnails', target_type: 'mix' });