AngAvenisay ang latest offering ngSuzuki Philippinessa kanilang scooter line-up. Since ni-launch nila ito ay naging hot topic na ang scooter sa mga online forums at social media platforms, mainly, dahil may mga nagko-compare ng styling nito sa itsura ng isang lovable animation character. If you ask me, hindi naman dapat siya malaking issue, except yung character lang kasi ay cute while at ang tag line ng Suzuki Avenis ay “Your muscular sporty scooter”. So medyo hindi sila nag-jive.
Well, ganyan din naman ang nangyari saSuzuki Burgman Streetinitially. Naging issue naman yun “sobrang liit” na 10-inch wheel sa likod. Pero ngayon, ang Burgman Street ay isa sa pinaka-popular na scooter sa local market. So bakit ko ito na-bring up? Ang Burgman Street at Avenis ay pareho ng platform. Based sa success ng Burgman Street, masasabi natin na ang Avenis ay mayroon ding kaparehong winning formula, naiba lang ang fairings at location ng fuel filler. Do not judge the book by its cover ‘di ba?
Kaya naman nag-conduct and Suzuki Philippines ng Avenis group ride para sa mga media at vloggers. Nagumpisa ang ride sa kanilang planta sa Canlubang, Laguna hanggang sa Villa Escudero sa Tiong, Quezon at pabalik. Kaya kung huhusgahan din lang natin ang Avenis, at least ito ay isang informed judgement naman.
Perfect nga naman itong route na ito para mas makilala natin nang maigi ang scooter ng Suzuki. Sa pag labas pa lang ng convoy namin sa Canlubang ay napasabak na agad ang mga Avenis units naming dala samalalaking crater sa kalye.Ang area na ito kasi ay daanan ng mga mabibigat na truck na nanggagaling sa iba-ibang planta sa lugar kaya sira-sira ang kalsada.
Muscular at sporty naman nga ang character ng Suzuki Avenis pero kung meron mang “cute” sa kanya ay definitely iyong mga gulong. Sa 90/90-12 (front) at 90/100-10 (rear) wheel configuration niya, naging apprehensive ako nung una sa pagdaan sa mga malalaking lubak. Pero stable naman ang Avenis kahit masama ang daan at nasa 40 Kph ang aming takbo. Most of all,hindi nag-bottom out ang single shock absorber sa likod kahit sa bigat ko na 180 lbs (plus vat). Tinanong ko ang isa sa kasama namin sa ride na 240 lbs ang bigat pero wala din naman siyang naging problema sa suspension. Pero sa height niya na 6’ 2”, ang naging issue niya ay yung pagtama ng grips sa tuhod niya sa mga tight turns. Sa aking height na 5’ 11”, hindi ko na experience itong problem na ito. So puwede nating masabi na ang riding ergonomics ng Avenis ay ideal para sa mga may height na 6 feet and below.
Ang Suzuki Avenis ay may124 cc air-cooled, single-cylinder enginena kayang mag produce ng 6.4 kW at 10 Nm. More than enough naman na ito for daily commute pero kakailanganin mo lang mag-bwelo sa mga paakyat na daan lalo na kapag may angkas. Natural lang naman yun para sa mga scooter sa ganitong segment. Ang impressive sa Avenis ay ang kanyang acceleration.“Sporty” ang throttle response at mabilis kang makakalabas sa mga tight spots. Speaking of which, naipit kami sa matinding traffic jam sa bandang Calamba at dito ko na-appreciate ang nimble handling ng Avenis. Hindi ako nahirapan mag lane-filtering sa grid lock ng mga sasakyan at kahit medyo chunky ang scooter na ito lusot pa din naman sa mga makipot na daan.
Dahil mainit nung araw ng ride namin ay nagbaon ako ng tubig para sa biyahe. Kasya ang isang 1-liter bottle sa right front cubby hole pero ayokong mabitin sa hydration kaya naglagay pa ako ng isang 500 ml na Gatorade sa left front compartment at naisara ko pa din nang maayos ang cover nito. Actually, intended itong compartment na ito for electronic gadgets kaya maycharging socketsiya sa loob at kaya may cover. Kung malayo-layo naman ang biyahe ay puwedeng magbaon na rin ng pagkain at ilagay sa underseat compartment na may21.8-liter capacity. Kung marami talagang dala ay puwede ring gawin cargo bed ang spacious floorboard ng Avenis pero hindi ko ito i-recommend kapag nasa long ride dahil mangangalay ang mga binti mo kapag hindi maayos ang pwesto ng mga paa. Para sa mga palengke/pandesal run naman ay no problem ito. Puwede mo pang i-secure ang pinamili mo sadalawang cargo hooksna may 1.5-kilo weight capacity bawat isa.
Ang isa pang issue na pinag-uusapan tungkol sa Avenis ay ang kanyangexternal fuel filler sa bandang likuran. Nasanay kasi tayo na ang access sa gas tank ng mga scooter ay sa ilalim ng upuan pero ang consideration kasi ng Suzuki ay iyong mga delivery riders na may mga naka-strap na cargo box sa saddle. Sa ganitong situation kasi ay malaking hassle ang pagtaas ng upuan tuwing magkakarga ng gas. Isa pa, nakadagdag sa sporty appeal ang unique na fuel filler set up ng Avenis. Pinakita rin ng Suzuki na hindi sagabal dito ang pagkabit ng rear top box. Ang spear unit namin ay fitted ng top box bracket na similar sa ginagamit ng ibang naka-Skydrive 125 kaya kahit may top box ay hindi ito sagabal.
Sa bandang Los Banos, lumuwag na ang traffic at nakapag-enjoy kami ng saglit sa kaunting twisties dito. Hindi na ko nangahas na i-lean ng mababa ang Avenis na gamit ko dahil hindi ako ready na alamin kung hanggang saan ang limit ng traction ng aking mga cute ng gulong. Pero kung tutuusin, hindi rin naman talaga kinailangang gawin yon. Sagaan ng handlingng Avenis ay halos walang effort ang pagkuha ng corners. Kung saan ka tumingin ay doon siya pupunta. Sa bandang San Pablo ay mas lumuwag pa ang daan kaya may chance kami na maka pick-up ng speed. Nakaabot ako ng 98 kph pero tingin ko hindi pa yon ang top speed ng Avenis. Nauubusan lang ako lagi ng open road bago umabot ng siyento. Pag may chance ay dadalhin ko ang Avenis sa track para makuha ang top speed nang safe at accurate.
Pero sa ganitong klase ng scooter ay may mas importante kaysa top speed, ito ay angfuel efficiency.Sa controlled test ng Suzuki ay naka 54 kilometers per liter ang Avenis pero sa ride namin ay nag average ako ng39.2 kilometers per liter.Hindi na masama, considering na halos kalahati ng dinaanan namin ay trapik. At least, yan ang nag-register sa real-time average consumption read out ng digital instrument panel. Actually, super convenient itong feature na ‘to para sa kagaya kong throttle-happy rider na mahina sa math.
Pagdating sa Tiaong, Quezon ay dumaan kami ng more or less one-kilometer na dirt road papasok ng Villa Escudero. Pero bale wala na ito compared sa pinagdaanan namin sa Canlubang earlier. Dahil sa dami ng mga enjoyable activities sa Villa Escudero ay inabot na kami ng dilim bago naka take-off pabalik. Dito napakinabangan angall-LED lightingng Avenis. Lalo ring na highlight ang sporty split-tail light niya.
Sa buong 120-kilometer roundtrip, isa lang ang naging issue ko. After two hours na strait riding, medyo masakit siya sa puwet. Malambot naman ang saddle ng Avenis pero siguro better practice lang ang mas frequent na rest stops. Ang good news, hindi ako nakaramdam ng lower back ache na common problem ko. I-credit ko dito ang good riding position tsaka magandang suspension ng Avenis.
Para sa akin, ang mga main selling point ng Suzuki Avenis ay ang kanyangride dynamics, versatility at distinct sporty character.Wala siyang masyadong borloloy maliban sa Digital panel, LED lighting at combi-brake system. Reasonable na yon sa sa price tag niya naPhp 77,900.
Sa September 18, 2022 ay magsasagawa nanaman ng Avenis ride ang Suzuki para naman sa mga Suzuki Club presidents at ang destination naman nila ay Calatagan, Batangas. Ano naman kaya ang kanilang masasabi tungkol sa Suzuki Avenis? Abangan natin.
A moto-journo who spends most of his time on the saddle unless otherwise saddled with desk work. His curious nature and poor sense of direction often take him on unplanned adventures.